Sisikapin dito ang maglahad ng isang banghay ng diyalektikang lapit sa estruktura at estilo ng likhang-sining na, bukod sa Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos at Madaling-Araw (1909) ni Inigo Ed. Regalado, ay maitatanging pinakamasining na paglalarawan ng sambayanan sa mapagpasiyang panahon ng transisyon mula sa kolonyaismong Espanyol.
Ang panitikan ng Pilipinas ay hugpungan ng mga pangyayari sa ating kasaysayan, sa ating lipunan, at sa ating personal na pakikipagsapalaran sa buhay. Isa ang panitikan ng Pilipinas sa mga maaaring pagkuhanan ng kahulugan kung pag-uusapan ang Pilipinas bilang isang nasyon. Malaki ang ginagampanang papel ng panitikan sa buhay ng tao: nagsisilbi.
Haluan ang bukal ng balagtasan: mula sa nakaugaliang aliwan sa mga nayon hanggang sa pasyon, sa korido ni Balagtas at palabirong diskurso ng mga Propagandista, na ikinawing sa pamproblematikong taktika at didaktikong estratehiya ng Banaag at Sikat, Pinaglahuan, atbp. Layon ng sining ay mobilisasyon ng kolektibong kaluluwa ng bayang nilulupig noon.